Magandang balita sa fans ni T.O.P. ng K-pop group na Big Bang.
Ligtas na at nakalabas na ng ospital sa Seoul, South Korea ang K-pop idol nitong Biyernes ng hapon, matapos malagay sa panganib ang buhay dahil umano sa drug overdose, ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras."
Tatlong araw ding na-confine sa ospital ang K-pop artist nang maging critical ang kaniyang kalagayan dahil umano sa drug overdose.
Ayon sa ilang hospital official, maayos nang nakapag-sasalita si T.O.P.
Gayunman, nakatakda siyang humarap sa pagdinig sa June 29 kaugnay ng paggamit umano ng marijuana. -- FRJ, GMA News
