"Thank You."
Ito ang simpleng mensahe ni Jake Zyrus bilang pasasalamat niya sa mga sumuporta sa pagpapalit niya ng pangalan na dating Charice Pempengco.
Pinalitan na rin niya ang account name ng kaniyang social media at inalis ang mga dating larawan, maging ng dati niyang girlfriend na si Alyssa Quijano.
Sa ngayon, mayroon nang 130K followers ang kaniyang Instagram account.
Samantala, halos isang milyon naman ang follower niya sa Twitter.
Sa una niyang tweet bilang si Jake, sinabi ng international singer na, "My first tweet as Jake. Overwhelmed. Saw all your love comments and I'm so happy. Finally. I love you, everyone and see you soon."
"I won't let anyone ruin this moment. I won't let anyone ruin my happiness. Thank you to all the beautiful write ups about me," saad pa niya sa isang post.
Hindi naman malinaw kung ito na rin ang gagamiting screen name niya sa showbiz.
Taong 2013 nang isapubliko ng dating si Charice na isa siyang lesbian, at sunod na niyang ipinakilala sa publiko ang nobyang si Alyssa.
Nitong nakaraang Abril nang mapabalita na naghiwalay na ang dalawa. -- FRJ, GMA News
