Matapos ang kanyang ilang linggong pagkawala sa Wowowin at paglilinaw tungkol sa isyu diumano ng kanyang pagsusugal at pagkalulong sa droga, muling ipinaliwanag ni Super Tekla ang dahilan ng pagkawala niya sa programa.
"Siguro sa time natin, hindi lang tayo nagpo-focus sa isang dimension lang, so you have to level up to grow. Hindi ka lang dapat mag-grow sa isang bagay," pahayag niya sa "Sarap Diva" nitong Sabado ng umaga.
"On my side, 'yon lang, gusto ko namang mabago 'yung takbo ng buhay ko. Kumabaga, sa isang term, 'level-up.'"
Nang tanungin ni Ms. Regine Velasquez tungkol sa ugnayan nila ngayon ni "Wowowin" host Willie Revillame, sagot ng komedyante, "Medyo kumplikado 'yung situation."
"For me, wala naman sigurong tampo si kuya Willie, ramdam ko naman 'yon."
"Until now, nasa stage pa rin ako ng pag move-on. Para akong nag-boyfriend tapos hiniwalayan, parang ganu'n."
Sinabi pa ni Tekla na hindi pa sila nagkakaroon ng closure ni kuya Wil.
"Hindi man tayo nagkaroon ng closure sa side ko. Hindi mo pa napakinggan [ang side ko," saad niya na mas pinili raw niyang tumahimik.
"Pero naawa ako sa mga fans na sobrang pinuputakti ako sa media na [nagsasabing] 'Please come back sa 'Wowowin,'" dagdag ng komedyante.
Nagpasalamat naman si Super Tekla sa suporta ng mga fans sa kanyang "Magpakailanman" life story na pumatok sa ratings.
"Sobrang antaas ng ratings, kasi first time ko sa buong buhay ko gumanap ng serious role," paliwanag niya. — Jamil Santos/MDM/FRJ, GMA News
