Kabilang ang 2003 "That My Boy" finalist na si BJ "Tolits" Forbes at 1992 Little Miss Philippines 2nd runner-up na si Patricia Ann Roque sa mga dating naging bahagi ng "Eat Bulaga" na naglaro sa segment na "Jackpot En Poy."

Kasama ng dalawa na naglaro sa kinaaliwang segment ng "Eat Bulaga" nitong Martes ang mga dating host ng noontime show na si Mickey Ferriols at si Chia Hollmann, na anak ng dati ring host programa na si Chiqui Hollmann.

Sa final round ng laro, si BJ ang umabot sa jackpot round at nakaharap din niya ang child wonder na si Baeby Baste.  Sino kaya sa kanila ang mananalo? Panoorin.

-- FRJ, GMA News