Ang mga batikang character actress na sina Odette Khan at Vangie Labalan ang naging bisita sa programang "Tonight With Arnold Clavio." Dito nalaman na isa sa kanila ang nakalaban sa oratorical contest ng namayapang dating senador na si Miriam Defensor Santiago.
Sa segment ng programa na "Sino?," inihayag ng "Ika-6 Na Utos" cast member na si Odette, na siya ang nakasagupa ni Miriam sa finals ng regional oratorical contest.
Matagal na panahon na daw iyon kung saan nagwaging first place si Miriam, na kumatawan sa Maynila, habang second place naman si Odette, na kinatawan ng Bacolod City.
Ikinuwento rin ni Odette ang pinagdaaan niyang depresyon noon dahil sa kawalan ng trabaho.
Samantala, ibinahagi naman ni Vangie na ang pelikulang "Himala" ang nagbigay sa kaniya ng showbiz break at kumuha siya ng kursong AB English sa West Negros University.
Alamin ang iba pang trivia sa dalawang hinahangaan at iginagalang na aktres sa bansa:
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
-- FRJ, GMA News
