Sa programang "Mars" nitong linggo, sumabak sina Boobay at Tuesday Vargas sa mga quick-hitting questions. Sa kuwelang tanungan, nabuking ang pangalan ng babaeng naging girlfriend ni Boobay noon at kung kaninong artista kinilig ng totoo si Tuesday. Pero pati ang hosts na sina Suzi Abrera at Camille Prats, hagalpak ang tawa sa kuwento kung paano nakuha ni Tuesday ang screen name niya. —JST, GMA News
