Sa kanyang karanasan sa pag-ibig, nadiskubre ni Kapuso actor Gil Cuerva na mayroon din pala siyang mga ayaw pagdating sa isang relasyon.

Sa episode ng Mars nitong Biyernes, tinalakay nina Gil at radio host Sam YG ang kanilang mga "non-negotiables" at mga tiniis na ugali ng isang babae.

"Yung pagiging overly clingy to the point na pati sariling space naaabuso rin," saad ni Gil.

"There are times kasi, we want to just to stay at home, matulog lang, rest, eat, or even just spend time with the family or your dog."

"But sometimes, si girlaloo, puwede ring maging clingy and needy."

Paliwanag ni Gil, hindi masama kung masabik man ang isang babae na makita ang kanyang nobyo pero hindi rin dapat maging sobra.

"Okay naman from time to time kung nami-miss ka niya pero, as long as it does not reach the point na hindi ka na maka-function, pati work life mo, lahat ng aspects ng work life mo naaapektuhan na rin," anang aktor.

Ipinaliwanag naman ni Sam na nagbabago ang mga "non-negotiables" ng isang tao sa kanyang pagtanda.

"Sa akin, understanding is very big, but siyempre, like I said, there is compromise." —ALG, GMA News