
Bagaman nananatiling matatag ang may dalawang taong relasyon nila ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Jason Choachuy, sinabi ng Kapuso star na si Rhian Ramos na wala pa naman sa isip niya ang lumagay sa tahimik.
Sa artikulo ni Rachelle Siazon na lumabas sa PEP.ph nitong Biyernes, inamin ng 27-antos na si Rhian na nanatakot siya sa konsepto ng kasal.
"When I was a kid, I was such in a hurry to grow up and do all the things that we adults are doing.
“Now, I just wanna go back. I just wanna retreat.
“Honestly, the concept of settling down scares me.
“When I think about that, it’s not like, ‘Oh my gosh! That’s my dream also.’
“Parang I freak out when I’m thinking about it for myself,” saad ni Rhian nang makapanayam sa isang presscon kamakailan kaugnay sa serye kung saan makakasama niya sina Lovi Poe at Max Collins.
Naiisip din umano ni Rhian ang mga pagsubok na pagdadaanan ng mag-asawa.
“First of all, love is not all rainbows and butterflies and fairy tales.
“So, I’m just thinking about, like, in a boyfriend-girlfriend relationship, that takes effort and pain.
“Paano pa kaya yung marriage?
“And when all the other things come along when you guys aren’t that good looking anymore. You know what I mean?
"You have kids na… hindi na kayo masyado mysterious sa isa’t isa.
“Nakikita niyo na nagbabanyo yung isa’t isa, yung mga ganun.
"It’s a lot of work and you have to choose it every single day,” patuloy niya.
Sa kabila nito, nagpapasalamat si Rhian sa kaniyang nobyo dahil sinusuportahan daw nito ang anumang makapagpapasaya sa kaniya. -- FRJ, GMA News
