Inilabas na ang kauna-unahang single ni Kapuso actor-singer Nar Cabico na "GAGA," na mapapakinggan sa iba't-ibang digital stores tulad ng iTunes, Spotify at Google Play.

Nabuo raw niya ang kanta dahil mayroon siyang mga kaibigan na hinihingan siya ng payo tungkol sa pag-ibig. Sa dami ng nagtatanong sa kaniya, naisipan niyang gawan na lang sila ng kanta.

 

 

"Pag nagkukwento naman, lagi ko lang sinasabi, 'Gaga, manggagamit lang 'yan.' So ang dami kong friends na 'gaga', nagiging 'gaga friends' na parang hindi sila mag-succeed sa love life. So ang sabi ko, 'Sige para isahan na lang, gagawa na lang ako ng kanta para sa inyong lahat,'" sabi ni Nar sa kanyang pocket interview nitong Biyernes sa Quezon City.

Sa kanta, mayroon itong lyrics na naging payo umano niya tungkol sa pagiging baliw ng kaibigan sa pag-ibig.

At ang mensahe raw ng kaniyang awitin: "Huwag mong pilitin. Kung hindi sa 'yo, hindi sa 'yo."

Hilig sa musika

Kakatapos lang ng concert ni Nar nitong Oktubre 1 na pinamagatang "Eksena" kung saan kinanta niya ang iba pa niyang mga komposisyon.

"I did it on October first. It was a listening party. I sang all 12 original songs that I did. The very reason I did that was also to create networks, create partnerships."

Komento ng mga nakinig, Metro pop daw ang kaniyang genre pero napapanahon. Kaya nagustuhan din ni Nar na tawagin itong "Quality Pop."

Pero "Manila sound" daw ang gustong pagtuunan ni Nar.

"Wala eh, walang eksaktong song pero gusto ko ng Old Manila sound. May horns, pero it's very guitar-driven na pwede na siyang kantahin sa kanto."

"When I started this, I want to create a buffet of sounds, a buffet of music."

High school lang siya nang magsimula siyang magsulat ng mga awitin. Sa college, naranasan daw ni Nar ang hirap na buhayin ang sarili sa pamamagitan ng pagkanta sa mga restaurant.

Inalala naman ni Nar ang isang pagkakataon kung saan nakatulong ang isa niyang ginawang kanta sa isang ng tao na hindi niya kilala na mayroon HIV at hindi malaman ang gagawin.

"One of the most important highlights of my life was I made a song during World Aids Day. I put it online, and then ipinost ko siya. May 30 views, ganyan. And then an anonymous Facebook messenger sent: Hi Nar, you don't know me but my friend shared to me the song. I recently got tested positive and I don't know what to do with my life. I'm kind of thinking of ending it. I'm so lost but I heard that song, and it felt like a big warm hug. And now I'm okay," kwento niya.

"For me it was so powerful na if I'm able to at least save a life through a song, I could do it for the rest of my life," patuloy ni Nar.

Tulong ni Jen

Hindi raw mailarawan ni Nar kung paano siya tinulungan ni Jennylyn Mercado sa pag-produce ng kaniyang kanta na "GAGA."

"No words, honestly. She changed my life. Ito lahat nang ito na parang domino effect. Isang gabi nung nagja-jamming kami sa bahay niya, sabi ko lang, 'Ako rin, gusto ko rin mag-produce sa music. May gitara siya sa bahay. 'Sige nga beh, play ka nga,' tatlo kami, si Analyn (Barro), si Jennylyn. Tapos mga naka-anim ako, gustong-gusto niya. Sabi niya, 'Bakit wala ito sa radyo, sa Spotify, bakit wala, sa iTunes, bakit?'"

Sagot ni Nar, "Wala pa akong pera, the struggle is real."

Ngunit tumugon daw si Jennylyn, "Sabi niya, walang-kaabug-abog, 'Ako na. Ako na 'yan. Wala ka nang gagastusin, pumunta ka na lang sa studio.'"

Matapos nito, nag-iyakan daw sina Nar at Jennylyn.

"Those moments in life are historical for me. Doon, biglang may nabuksang entirely different person in a good way. Lahat ng mga previous doubts ko, lahat ng mga uncertainty, wala na, okay na," saad ni Nar. -- FRJ, GMA News