Mapanonood na sa darating na Linggo, Oktubre 29, sa ganap na 3:00 p.m. ang tagalized version ng hit South Korean zombie apocalypse-action-thriller film na "Train to Busan."
Ang Kapuso leading man na si Dennis Trillo ang nagbigay ng boses sa karakter ng bidang si Gong Yoo.
Sa nakaraang panayam, sinabi ni Dennis na naging challenge sa kaniya ginawang pagda-dub sa pelikula at aminado siyang nakaka-relate siya sa main character ng pelikula.
-- FRJ, GMA News
