Nagpapasalamat si Aicelle Santos sa tiwala na ibinigay sa kaniya para magbida sa Himala: Isang Musikal na magsisimula na sa February 2018 na ipu-produce ng The Sandbox Collectives.
Sa dalawang posts niya sa kanyang Instagram account, abot-langit ang pasasalamat ng Kapuso singer-actress at Traffic Diva dahil sa pagkakataong gumanap siya bilang si "Elsa sa Himala: Isang Musikal."
Dito rin niya ibinahagi ang ilang detalye tungkol sa stage adaptation ng premyadong pelikula.
Ang Superstar na si Nora Aunor ang nagbida sa pelikulang Himala noong 1982. Ito ay idinirihe ni Ishmael Bernal.
Humakot ito ng maraming major awards sa 1982 Metro Manila Film Festival including Best Picture, Best Director, Best Supporting Actor (Spanky Manikan), Best Supporting Actress (Gigi Dueñas) and Best Actress (Nora Aunor).
Pinuri ang 2005 Pinoy Pop Superstar runner-up na si Aicelle sa paglabas niya sa mga musicals na "Katy!," "Rak of Aegis" at "Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag."
Napapanood si Aicelle sa top-rating afternoon teleserye ng GMA-7 na Impostora.
Kasama rin si Aicelle sa cast ng 2017 Metro Manila Film Festival official entry na Ang Larawan.-- For more showbiz news, visit PEP.ph
