Matapos na inanunsyo ang paghihiwalay nila ni Jak Roberto noong Enero 2025, handa na kayang pumasok sa isang relasyon si Barbie Forteza? Alamin.
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabi ng Kapuso actress na prayoridad niya sa ngayon ang mahalin ang sarili.
"Hindi ko pa iniisip or hindi ko pa hinihiling na magmahal uli ng iba kasi gusto ko munang ibuhos yung lahat ng pagmamahal ko sarili ko,” paliwanag niya.
Sinabi rin ni Barbie na, “I don’t casually date.”
"Date to marry ang bakla. 'Saving Cherry' nga di ba,” natatawa niyang sabi.”Date to marry po ako, so until I'm ready and I'm really, really sure of the person I'm gonna go out with, hindi ako makikipag-date."
Sa media conference ng kaniyang upcoming movie na "Saving Cherry," tinanong si Barbie at kaniyang co-stars tungkol sa kanilang dream wedding.
"I wanna get married in Vegas in Vera Wang… para may divorce," biro niya.
Umani naman ng palakpak ang sagot ni Barbie na, "F— no" nang tanungin kung dapat bang bigyan ng second chance ang mga nagtataksil sa relasyon.
Kasama ni Barbie sa "Saving Cherry" sina Khalil Ramos, Mikee Quintos, Mika Salamanca, Sassa Gurl, AC Bonifacio, at iba pa.
Ayon sa aktres, pinaka-mature role to date ang ginampanan niya sa naturang pelikula.
Tumatalakay ang pelikula sa pag-aasawa at pagtataksil, na ipalalabas sa September 2, sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal.
Bukod sa “Saving Cherry,” bibida rin si Barbie sa upcoming collab series na “Honor Thy Mother” na kasama si Sharon Cuneta. —FRJ GMA News

