Matapos ang bigong relasyon sa ama ng kaniyang dalawang anak, may plano pa kaya ang dating Sexbomb dancer na si Sugar Mercado na muling mag-asawa. Alamin ang kaniyang sagot sa programang "Mars."

Sa programang "Mars" nitong Huwebes, sinabi ni Sugar na hindi pumapasok sa kaniyang isip sa ngayon ang muling mag-asawa. Sa halip, tutok daw muna siya sa kaniyang mga anak.

WATCHSugar Mercado, emosyonal nang ikinuwento na nabigo siyang magkaroon ng buong pamilya

"Hindi ko alam 'yung future... Kung mamahalin ba 'yung anak ko why not, 'di ba? Pero 'yung ngayon, hindi talaga eh, hindi pumapasok sa sistema ko, sa utak ko. Kids lang 'yung focus ko ngayon," sabi ni Sugar.

Inamin pa ni Sugar na mayroon siyang manliligaw na palaging nagbibigay sa kaniya ng branded na bag, pero hindi niya ito tinatanggap.

"Naa-ano kasi ako, 'yung may kapalit. Na papaasahin mo 'di ba? Ayoko naman ng ganu'n," paliwanag ni Sugar. "Pero kapag cash, tinatanggap ko naman!" pabiro niyang sabi.

"Para naman kasi sa akin, kaya ko naman kasing pagtrabahuhan kung ano 'yung gusto ko. At saka hindi naman ako maluhong tao. Pagdating sa kids ko, doon ako buhos," dagdag.

Panoorin ang buong panayam kina Sugar at Terry:

 

-- Jamil Santos/FRJ, GMA News