Balik-bansa na ang Kapuso leading man at Pambansang Bae na si Alden Richards mula sa kaniyang family vacation sa Japan. Ang next destination ng aktor, sa Australia.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing pangarap na natupad ang turing ni Alden sa ipinatayo niyang bahay para sa kaniyang pamilya sa Santa Rosa, Laguna.

Sa isang Youtube video, ipinakita ni Alden sa fans ang kaniyang dream home, pati na ang ilan niyang koleksyon at favorite spot ng bahay.

Nagpapasalamat si Slden dahil sa dami ng biyaya na natanggap niya sa 2017.

Kaya naman bilang pasasalamat sa unconditional support sa kaniya ng pamilya, nagtungo sila sa Japan para makapagbakasyon.

Kitang-kita ang tuwa ni Alden at kaniyang pamilya sa mga larawan at videos na kanilang ipinost sa kanilang bakasyon.

At mula sa "Land of the Rising Sun" na Japan, biyaheng "Land Down Under" sa Austrilia naman si Alden sa darating na Enero.

Natutuwa ang aktor dahil sa wakas daw ay mararating na niya ang Australia para personal na makita ang mga fans niya sa nasabing bansa. -- FRJ, GMA News