Mula nang sumabak noon sa "Starstruck," malayo na ang narating ng career ng Kapuso star na si Klea Pineda. Kamakailan lang ay sumabak siya sa Asian Supermodel contest, at kabilang siya sa cast ng bagong Kapuso show na "Sirkus."

Sa programang "Tunay Na Buhay," inihayag kay Rhea Santos ng ina ni Klea na may pagkamakulit noong bata at may pagka-boyish ang anak.

Hindi raw nila inakala na papangarapin ni Klea na maging beauty queen sa hinaharap.

Pero hindi na pala kataka-taka kung pinasok ni Klea ang showbiz dahil dati palang nasa showbiz ang kaniyang lolo' lola.



Pero maliban sa pag-aartista, pangarap din ng 5'10" na si Klea na maging isang beauty queen.

Ipinasilip din niya ang isang kuwarto na pinaglalagyan ng kaniyang mga sapatos at caps.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News