Dinakip ng mga awtoridad ang isang miyembro ng all-male entertainment group na "Masculados" dahil sa umano'y pag-iingat ng iligal na droga sa Taguig City nitong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ni Luisito Santos ng Super Radyo ddzBB, kinilala ang naarestong miyembro ng Masculados na si Robin Robel, 37, at ang kasama niyang si Rodel Isaac.

Ayon kay Taguig City Police Senior Superintendent Alexander Santos, nagpapatrolya ang mga pulis ng Maharlika Police Station 2 nang mamataan nila ang isang nakatigil na kotse at naka-"hazard" ang ilaw sa MLQ Avenue sa Barangay New Lower Bicutan.

Nang lapitan ng mga awtoridad ang sasakyan, nagpakilala ang drayber na isa umanong artista.

Nang kapkapan si Robel, nakita sa kaniyang ang dalawang plastic sachet na may laman na hinihinalang shabo na na tumitimbang ng 24 na gramo.

Tumanggi ang mga naaresto na magbigay ng pahayag.

Nahaharap si Robel at ang kasama sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ilan sa mga sumikat na kanta ng grupo ay ang "Jumbo Hotdog," "Lagot Ka," "Sana Mama," at "Macho Papa."— FRJ, GMA News