Ibinahagi ni Gabby Concepcion sa programang "Tonight With Arnold Clavio" ang kahalagahan na mag-"reinvent" ang isang artista at singer para magtagal sa industriya.

Ginamit pa niyang halimbawa ang restaurant para maipaliwanag kung bakit kailangan magkaroon ng pagbabago sa isang artista tulad sa imahe nito.

Kasabay nito, inihayag din ng aktor kung ano ang mga dapat na abangan sa kaniya ngayong magtatapos na ang kinabibilangang serye na "Ika-6 Na Utos" na umere sa GMA 7 nang mahigit isang taon. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News