Sa programang "Tunay Na Buhay," ibinahagi ni Mark Bautista ang ilang istorya sa likod kung bakit niya naisipang gawin ang kaniyang autobiography na "Beyond the Mark," kung saan inamin niya ang kaniyang na tunay na pagkatao.
At isa umano sa mga dahilan ay pagkakaligtas niya sa isang shooting incident habang nasa Amerika, na itinuturing niyang second life.
READ: Mark Bautista, itinuturing second life ang pagkakaligtas sa shooting incident sa US
Sinimulan gawin ni Mark ang kaniyang libro habang nasa Amerika nang gawin niya ang isang musical play. Sa libro, inamin niya na naging biktima siya ng pangmomolestiya ng isang kamag-anak noong bata siya, at ang pagkakaroon niya ng gusto sa babae at maging sa lalaki.
Ngayon, kumusta na nga ba si Mark matapos niyang ipaalam sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang libro ang kaniyang tunay na pagkatao. Panoorin ang panayam sa kaniya ni Rhea Santos sa video na ito:
Click here for more GMA Public Affairs videos
--FRJ, GMA News
