Nagpiyansa sa Sandiganbayan nitong Biyernes ang actor-politician na si Quezon City Councilor Roderick Paulate kaugnay ng kinakaharap na graft and falsification cases dahil sa umano'y pagkakaroon niya ng 30 "ghost employees" noong 2010.

Umabot sa kabuuang P246,000 ang inilagak na piyansa ni Roderick, habang P220,000 naman ang piyansa sa kaniyang kapwa akusado at driver at liaison officer na si Vicente Esquilon Bajamunde.

Ang Seventh Division ng Sandiganbayan na pinamumunuan ni Associate Justice Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta.

Naging matipid naman at tanging "it's done" ang isinagot ni Roderick nang hingan ng komento tungkol sa kaniyang kaso

Nauna nang nag-post si Roderick sa kaniyang social media account ng mensahe na niya ng hashtag na "paulit-ulit.'

READ: Roderick Paulate, nagpasaring ng '#paulit ulit' matapos kasuhan ng Ombudsman

Batay sa reklamong inihain ng Office of the Ombudsman, tig-isang counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at tig-walong counts of falsification of public document ang isinampa laban kina Roderick at Bajamunde.

May one count of falsification by a public officer na isinampa rin kay Roderick.

Inakusahan ng Ombudsman ang dalawa na nagsabwatan umano sa gawa-gawang mga empleyado para sa kanilang personal na kapakinabangan. --FRJ, GMA News