Sa pagwawakas ng Kapuso series na "Sherlock Jr." tila katapusan na ng buhay para kay Jack nang mabihag siya ni Dindo at Bruce.

Plano na ng masasamang loob na barilin si Jack nang dumating to the rescue ang best friend niya na si Siri. Sa pagtatangka ng aso na iligtas ang buhay ng kaibigan, ito ang nabaril.

Matapos nito, nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at ng mga suspek kung saan napatay si Dindo.

Ngunit tila malubha ang kalagayan ni Siri nang dalhin sa ospital. Magawa pa kaya nitong lumaban para muling makasama si Jack at ang kaniyang pamilya? O katapusan na rin ito ng aso?

Balikan ang finale ng Sherlock Jr. sa video na ito.

—Jamil Santos/ALG, GMA News