Sa kaniyang ika-44 na kaarawan, ibinahagi ni Kaye Abad ang kaniyang naging laban sa breast cancer at kaniyang napagtagumpayan.

Sa isang YouTube vlog na inilabas nitong Linggo, ibinahagi ng aktres ang ilang clips sa isang taon na laban niya sa nakamamatay na sakit na nagsimula noong January 2025, na kaniyang unang checkup.

Sa naturang vlog, inihayag niya na cancer-free na siya.

“As of now, you can declare that you’re a survivor and you’re cancer-free,” ani Kaye. “I’ve been waiting for this day.”

Aniya, nagsimula ang kaniyang health journey noong huling bahagi ng 2024.

“Last September (2024), sumasakit yung tiyan ko,” ayon kay Kaye na inakala raw niyang normal na hyperacidity attacks.

"But then, na-alarm ako kasi it would last six hours,” dagdag niya.

Kate later underwent a full stomach ultrasound, which revealed multiple gallstones. After undergoing surgery to remove the gallstones, her doctor advised her to undergo a mammogram because of her age. She was 42 at the time.

Sumailalim si Kaye sa isang full stomach ultrasound, at natuklasang mayroon siyang maraming gallstones. Matapos operahan upang alisin ang mga ito, pinayuhan siya ng doktor na magpa-mammogram dahil sa kaniyang edad na 42-anyos noon.

Mahigit apat na buwan matapos ang mammogram, doon natuklasan ang kaniyang breast cancer.

“Ang clear lang sa akin is ‘yung sinabi niya na from the photo sa mammogram: it’s 95% malignant,” pag-alaala niya.

According to the National Cancer Institute, malignant is "a term used to describe cancer." It is an adjective to describe cells that are cancerous.

Ayon sa National Cancer Institute, ang “malignant” ay terminong ginagamit upang ilarawan ang cell na cancerous.

Agad na tinawagan ni Kaye ang kaniyang asawang si Paul Jake Castillo at ang kaniyang kapatid upang ibalita ang diagnosis.

Noong Enero 15, kumonsulta sina Kaye at Paul Jake sa isang breast surgeon na nagkumpirmang mayroon siyang breast cancer. Kinabukasan, tinipon nila ang kanilang pamilya at mga kaibigan upang ibahagi ang balita.

“We decided to do all the test and procedure sa Singapore,” sabi ni Paul Jake.

Lumipad ang mag-asawa patungong Singapore makalipas ang apat na araw, noong Enero 19.

“One of the hardest parts sa journey ko, saying goodbye to my boys before going to Singapore,” ani Kate. “Ang hirap magpaalam na wala kang idea kung kalian ka babalik.”

Sa huling bahagi ng vlog, idinokumento ni Kaye ang kaniyang medical journey sa Singapore, kabilang ang kaniyang mga konsultasyon at gamutan. Sa isang clip, makikitang sinamahan siya ng kapwa aktor na si Paolo Contis sa isa sa mga pagkakataon.

Mahigit isang taon matapos ang laban, nalampasan na ni Kaye ang cancer. Ipinagmamalaki na niyang tawagin ang sarili bilang isang survivor.

Ang breast cancer ang pinakakaraniwang uri ng cancer sa buong mundo, ngunit isa rin ito sa mga may pinakamataas na tsansang magamot kapag maagang natukoy.

Ang maagang pagtuklas ang pinakamabisang depensa laban sa breast cancer. Gawing prayoridad ang regular na pagsusuri, kabilang ang self-checks, bilang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan.

Para sa mga kababaihang nasa edad 40 pataas, karaniwang inirerekomenda ang taunang breast cancer screening.— Hermes Joy Tunac/FRJ GMA News