Dahil isa na ring Kapuso, pabirong sinabi ng aktor na si John Estrada na mababantayan na niya ang anak na si Inah de Belen at ang nobyo ng dalaga na si Jake Vargas.

READ: John Estrada, pumirma na ng kontrata bilang Kapuso

Sa contract signing ni John nitong Miyerkoles sa Kapuso Network, sinabi ng aktor na gusto niyang makatrabaho ang na si Inah, bukod pa sa mga kaibigan niyang sina Marian at Dingdong.

ADVERTISEMENT

"Of course, opportunities like I'd love to work with my daughter Inah, and I'm a good friend of Dingdong and Marian. I would love and it's a dream for me to work with Dingdong and Marian. At marami pang Kapuso at talents na napapanood ko eh maraming magagaling na artista," sabi ni John.

Biro naman ng aktor, posibleng masaya at "natatakot" ang kaniyang anak na si Inah dahil magkasama na sila sa iisang network.

"I think 'yung anak ko masaya at natatakot siya na nandito na ako. May magbabantay sa kaniya at sa boyfriend niya, Jake daw pangalan nu'n?," pabirong sabi ni John.

Nang tanungin sa posibilidad na makatrabaho din niya si Jake, sabi ni John, "Okay lang, professional naman [ako]."

Si Inah ang panganay na anak ni John sa dati niyang asawa na si Janice de Belen.

Dati nang inihayag ni Inah na hindi pa niya naipapakilala kay John si Jake. --FRJ, GMA News