Tulad nang inaasahan, dinagsa ng fans ang unang gabi ng #24KMagic concert ng may dugong Pinoy na si Bruno Mars.
Ilang celebrity din ang nanood sa concert ng Grammy award-winning singer-songwriter at post ng kani-kanilang video at larawan sa kanilang mga social media account.
Kabila sa mga celebrity na nanood ang mga Kapuso star na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Gayundin ang "Kambal, Karibal" lead star na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
Hindi rin nagpahuli sina Ruru Madrid, Jerald Napoles, at Joyce Pring.
Naroon din ang mag-inang sina Kobe Paras at Jackie Forster; at ang celebrity couple na si Kylie Padilla at Aljur Abrenica.-- FRJ, GMA News
