Dalawang katao ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan nang magsalpukan ang isang tricycle at motorsiklo sa national highway sa Mangaldan, Pangasinan.
Sa ulat ni Jasmin Gabriel-Galban sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing nangyari ang insidente sa national highway sa bahagi ng Barangay Bari nitong madaling araw ng Huwebes, Marso 19, 2026.
Sa kuha ng CCTV camera, makikita na mabilis ang takbo ng motorsiklo na lumihis sa kabilang linya ng kalsada kaya nakasalpukan ang kasalubong na tricycle.
Sinabi ni Police Lt.Col. Perlito Tuayon, hepe ng Mangaldan Police Station, nasawi ang pasahero sa tricycle, at pumanaw naman sa ospital kinalaunan ang rider.
Ayon sa awtoridad, hindi pa nagkakausap ang mga kaanak ng mga nasangkot sa sakuna.
Sinisikap pa ng GMA Regional TV One North Central Luzon na mahingan ng pahayag ang mga kaanak ng mga nasangkot sa insidente. – FRJ GMA Integrated News
