Sa programang "Mars," hindi naiwasan ng host na si Suzi Abrera na balikan ang mapait na karanasan sa pag-ibig dahil sa ginawang pagtataksil noon ng kaniyang boyfriend at kasangkot pa ang kaniyang best friend.

Sa segment ng programang "Grab A Box," nakuha ni Suzi ang kahon na may nakalagay na kataga na kailangan niyang buuin na, "Isa sa mga experience ko na na-hurt ako at feeling ko sinaksak ng kutsilyo ang puso ko ay noong..."

"Ay noong nagtaksil ang jowa ko," mabilis niyang sagot.

"Sa best friend ko," dugtong pa niya.

Dobleng sakit daw ang kaniyang karamdaman dahil kasama ang kaniyang best friend sa pagtataksil.

"Siyempre, double whammy, double 'yung betrayal kaya sobrang sakit. Kaya minsan 'pag nagpe-pray ako kasama sa prayers ko bukod du'n sa mga may sakit, or whatever, 'yung broken hearted kasi sobrang sakit din niya talaga," paliwanag niya.

Samantala, sinabi naman ni Miss Multinational 2018 Sophia Senoron na willing siyang kumuha ng isang proyekto kahit hindi siya bayaran, basta ang proceeds ay napupunta sa charity. Panoorin ang kaniyang sagot.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--Jamil santos/FRJ, GMA News