Pag-amin ni Kapuso comedienne Valeen Montenegro, selosa at matampuhin siyang best friend pagdating sa kaniyang ka-'Bubble' na si Lovely Abella, lalo na kapag may ibang kabulungan at kabiruan ito.
Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," sinabi ni Valeen na nagtampo siya noon nang nakita niyang tila mas close pa si Lovely kay Chariz Solomon.
"Matampuhin kasi talaga ako as a person. 'Pag kunwari feeling ko mas close sila ni Cha (Chariz), selosa ako eh. 'Pag nakikita ko, 'Uy nagkukuwentuhan 'yan ah, bulung-bulungan,'" saad niya.
Kuwento rin ni Valeen, ayaw niyang uma-absent siya sa trabaho.
"Feeling ko nami-miss ko lahat. Hindi naman praning! Ano lang, concern. Kasi gusto ko malaman kung ano 'yung pinag-usapan nila. Baka may mai-share din naman ako, " paliwanag pa ni Valeen.
Samantala, sinabi naman ni Lovely na hanga siya sa pagiging "flat and confident" ni Valeen.
"Kasi gustong magpalagay pero ngayon nauso (flat) parang ang sexy niya rin pagka-ganiyan," sabi ni Lovely.
Panoorin ang kanilang kulitan sa episode na ito ng "TWAC."
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
