Naospital si Kapuso actor Jason Abalos, ayon sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkoles.

Makikita sa Instagram posts nina Jason at kaniyang nobyang si Vickie Rushton habang nasa ospital ang aktor.

Hindi naman nabanggit kung ano ang dahilan kung bakit dinala sa ospital si Jason pero makikita sa video na mabuti ang kalagayan ng aktor at alagang-alaga ng kaniyang nobya. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News