Totoo ang hype para sa “Spider-Man: Brand New Day!” matapos nitong mabasag ang mga record sa pamamagitan pa lamang ng teaser trailer na ipinalabas noong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Variety, nakakuha ito ng 718.6 milyong views sa loob lamang ng 24 oras, at madaling naging biggest trailer of all time.
Nalampasan nito ang naunang rekord na itinakda ng “Deadpool and Wolverine” na may 365 million views. Nalagpasan din nito ang trailer ng “Grand Theft Auto V,” na umabot sa 475 milyong views sa loob ng 24 oras.
Bago ang opisyal na paglabas ng trailer, ilang bahagi nito ang inilabas sa isang global fan campaign na ginawa ni Spider-Man actor Tom Holland.
Ipinakita sa trailer ang kuwento matapos ang apat na taon nang maganap ang mind-wipe sa “Spider-Man: Far From Home.”
Makikita si Peter Parker, na nag-iisa na ngayon matapos burahin ang sarili mula sa alaala ng mga taong mahal niya at kaibigan. Dumadaan siya ngayon sa pisikal na pagbabago at nagbabanta rin sa kaniyang sariling kaligtasan.
Nakatakdang ipalabas ang “Spider-Man: Brand New Day” sa mga sinehan sa Hulyo 31, -- FRJ GMA Integrated News
