Kasalukuyang nagpapagaling si Raheel Bhyria mula sa tinamo niyang injury sa isang basketball game.
Sa kaniyang Instagram post, na iniulat din sa Unang Balita nitong Biyernes, ibinahagi ng “Never Say Die” star na nagkaroon siya ng torn anterior cruciate ligament o ACL, torn meniscus, at torn medial collateral ligament o MCL.
Ayon kay Raheel, aabot ng hanggang 12 buwan ang proseso ng kaniyang pagpapagaling.
Dahan-dahan nang sinimulan ni Raheel ang mga pisikal na aktibidad gaya ng boxing, running, at pagpunta sa gym sa mga nakaraang buwan.
“Don’t let anybody tell you ‘you can’t,’” caption niya.
-- Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
