Dumating na sa bansa ang K-Pop girl group na Momoland, na nagpasikat ng kantang "BBoom BBoom" na nagkaroon pa ng viral dance craze. Proud nilang ipinost sa kanilang Instagram account ang larawang kasama ang Pambansang Kamao na si Senador Manny Pacquiao.
"Momoland arrived in the Philippines today and had a chance for meeting the boxing hero Pacquiao! we thought we wanna meet before, and It was a great honor for us!," saad sa caption ng kanilang larawan.
Sa Chika Minute report naman ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, makikita ang mainit na pagsalubong sa kanila ng Pinoy fans sa airport.
First time ng Momoland sa bansa, na excited mag-perform para sa kanilang mga tagahanga.
Exclusive na naka-bonding ng GMA News ang viral Korean girl group bago sila mag-courtesy call sa Korean Embassy sa Maynila.
"Hey guys, we're finally here in the Philippines. We wanted to be with you guys so much and we're finally here. We can't wait to see all of you," sabi ni Daisy. -- FRJ, GMA News
