Tiyak nang babalik sa himpapawid ang jet fighter pilot na si “Maverick” para sa "Top Gun 3" movie.
Inanunsyo ng Paramount sa kanilang CinemaCon presentation sa Las Vegas na muling gaganap si Tom Cruise sa kanyang iconic role na jet fighter pilot na si Maverick.
Muling ginampanan ni Tom ang papel ni Maverick noong 2022, mahigit 30 taon matapos ipalabas ang “Top Gun” noong 1986.
Ang “Top Gun: Maverick” ang naging highest-grossing opening movie ni Tom sa buong 40 taong career niya, na kumita ng $134 milyon sa unang weekend nito.
Sa sequel na pelikula, si Maverick ang nagturo isang grupo ng mga piling piloto para sa isang mahalagang misyon.—FRJ GMA News

