Matapos ang tatlong matitinding rounds, 12 na lang mula sa dating 62 na 'Clashers' ang natira sa Kapuso singing competition na "The Clash." Pero bago ang championship round, inihayag nila kung bakit sila ang dapat na manalo, at sino ang biggest threat sa kanila.

Humarap sa showbiz reporters nitong Miyerkoles sa GMA Network ang Top 12 Clashers, at ipinaliwanag ang kanilang kalamangan sa kanilang mga kalaban.

 

 

Anthony Rosaldo ng Valenzuela City: Ako po 'yung dapat manalo sa first season ng 'The Clash' kasi naniniwala ako na this time ito na 'yung panahon ko para ipamalas kung ano 'yung kaya kong gawin. Pinagpaguran ko po eh, hinintay kong makaabot dito. And I hope marami pa po akong kayang ipakita na hindi ko pa po nailalaban sa kompetisyon."

"Para sa akin ang pinakamahigpit kong kalaban, napakagagaling po ng lahat, pero siguro I will choose Mommy Ester po talaga, kasi sobra po ang charisma niya. Si Mommy Ester 'pag kumanta po 'yan kahit hindi po natin aakalain na manggagaling sa kaniya 'yung boses na ganu'n. And every time she performs and battles talaga namang masa-shock po kayo kasi nahi-hit niya 'yung mga mataas na notes na 'yon for her age po," sabi pa ni Anthony.



Danielle Ozaraga ng Cebu: "For me po, I deserve to win because isa po ako sa mga nabigyan ng second chance dito sa The Clash... I think destiny po talaga na nandito ako ngayon, na naging part ako ng Top 12. Talagang pinu-prove ko sa lahat na deserving ako sa binigay nilang chance sa akin. Ginagalingan ko at tinataas ko ang bandera ng Cebu."

"Ang pinaka-threat ko po dito sa competition, of course biritera ako, so du'n [threat] ko ang mga unique ang mga style like Kyryll, Jong, sila po," dagdag ni Danielle.

 

 

Mommy Esterlina Olmedo ng Cebu: Dapat manalo ako sa The Clash contest na ito kasi I give my best [at despite my age kaya ko makipagsabayan sa mga bagets]. I am nearly 50 years old."

"Ang greatest threat ko po ay si Mirriam Manalo. Kasi Manalo na ang apelyido eh."

 

 

Garrett Bolden ng Olongapo City: "Ako po ang dapat manalo this season ng The Clash kasi marami rin po akong napagdaanan na kompetisyon, rejections, at kada nare-reject ako sinusubukan ko pong mag-aral kung paano ko mama-master ang pagkanta ko.... Hopefully maka-push through pa. I want to win the very first season of The Clash."

"Greatest ko, Mirriam Manalo po."

 

 

Golden Cañedo ng Cebu: Ako po ang deserve na manalo kasi po sa murang edad nakatuntong po ako dito sa The Clash, nakapasok po ako sa Top 12. Binibigay ko din po talaga ang best ko sa mga performance ko... Binibigay ko ang lahat-lahat sa performance ko para sa pamilya ko po."

Sabi pa ni Golden, "Ang pinakamahigpit na kalaban, si ate Mirriam po dahil biritera din siya katulad ko po. At saka si Kyryll po dahil same age lang po kami. Ang boses niya po is iba talaga sa mga biritera. Sa amin po matataas ang boses namin, siya po parang chill chill."



Josh Adornado ng Cagayan de Oro: "Deserving po akong manalo dito sa The Clash dahil feeling ko po panahon na para marinig 'yung mga hindi malalaki ang boses masyado. Marami po akong naging experience na hindi ako well appreciated dito sa atin, hindi tipikal na bumibirit... Feeling ko po na it's time for something new to the table."

"Gusto ko rin po ma-share 'yung experience ko of rejections and ang natutunan ko po is that music is fun, at iba-iba ang rason namin ng pagsali, pero isa lang ang main purpose and that is because we all love to sing."

Ang biggest threat daw ni Josh, "Si Anthony Rosaldo po, kasi para po sa akin, siya po 'yung, for me he's the complete package so he deserves to win too."

 

 

Kyryll Ugdiman ng IloIlo: I deserve to win po kasi matagal ko na po itong pangarap, to acknowledge the fact na ibinigay ito ni Lord sa akin kaya gagawin ko po ang lahat for me to win.

"Ang threat po sa akin si Jong, kasi kakaiba rin ang style niya and he's so good po talaga."

 

 

Lyra Micolob ng Davao: " I deserve to win in this competition, in this season of The Clash kasi I've been really praying for this and andami ko na rin nasalihan na contest na puro rejection. Kasi I'm a typical singer na hindi bumibirit pero I can give you a power and a vocal performance to give you a good show. Tuwing nagpe-perform po ako ang lagi ko pong aim is to enjoy the audience, dapat may soul ako."

"Biggest threat ko po dito sa The Clash is si Ate Mirriam po. Kasi parang siya po 'yung nagde-define ng The Clash in terms of range, power and soul."


 

Melbelline Caluag ng Bulacan: "Deserving po akong manalo kasi tulad po sa aming lahat, na-reject na po kami, marami na rin kaming sinalihan na contests. Pero sa akin po, kaya po ako sumasali, ginagawa ko po 'yung rejections na inspiration para po sa pamilya. Hindi po na mananalo lang po ako dahil gusto kong magpasikat, pero gusto po mapatunayan hindi lang sa pamilya ko, para rin po sa Bulacan, para po sa kanila 'yung laban ko po dito kaya deserving po ako manalo."

"'Yung kinatatakutan ko po dito is si ate Mirriam. Kasi po siya talaga 'yung pinakamagaling dito kasi hindi lang po basta bumibirit siya, alam naming may puso siya."

 

 

Mika Gorospe ng USA: "Ako po ang dapat manalo sa first season ng The Clash kasi ito po talaga 'yung pangarap ko and ito po 'yung reason why nagpunta po ako dito sa Pilipinas. Kahit 'yung edad ko po is 16 years old po ako, I will have a lot of time to learn and to improve myself."

Ang biggest threat ko po is ate Mirriam. Magaling po siyang bumirit pero talagang may puso and she's really good at dynamics, magaling siyang kumanta."

 

 

 

Mirriam Manalo ng Pampanga: "I think I deserve to win kasi 12 years old pa lang po ako sumasabak na ako sa mga pa-contest sa television pero wala po talagang nangyayari. I am now 26, ito na po 'yung pinaka, kumbaga matagal na nag-stay ako sa isang competition. I feel like this is the proper timing na binigay ni God dahil po sa mga struggle ko sa buhay, dahil po ako ay isang breadwinner. I always think na dapat ilaban ko para sa family ko. But this time I have other reason to win this competition. I want to win this competition for myself and my baby."

"Yung biggest threat po sa akin is, actually lahat po sila magagaling, nakakakaba po silang kalabang lahat. pero I think, may magic eh, nanay Ester. Na kay Nanay Ester ang talagang magic. Kapag tumungtong na sila sa stage makikita mo po talaga 'yung experience niya, alam na alam niya ang ginagawa niya sa stage and also magaling siyang pumili ng song na babagay sa boses niya."

Kasama rin si sa Top 12 si Jong Madaliday ng North Cotabato ngunit hindi nakasama sa press conference dahil sa sakit. Kilala siya sa kaniyang estilo na R&B.

Ang tatanghaling grand winner ay magkakaroon ng exclusive management contract sa GMA Network, P1 milyong cash, brand new car at Bria house and lot.-- FRJ, GMA News