Sa programang "Taste Buddies," hinarap ni Lovi Poe ang mga intrigang ibinabato sa kaniya gaya nang pagiging retokada umano, playgirl at gold digger.
Sabi ng aktres, natutunan niyang pangalagaan ang kaniyang sarili tulang sa pagwo-workout at wala siyang pinaparetoke sa kaniyang katawan.
Tungkol naman sa bintang na isa siyang playgirl, paliwanag ni Lovi; "They always say that why do you have different boyfriends. Parang why do you jump from relationship to another? Alangan naman I stay in a relationship that I'm not happy with.
Pagdating naman sa paratang na isa siyang gold digger, sabi ng aktres, pinagpaguran niya kung anuman ang mayroon siya ngayon.
"All my life I have worked hard to get where I am. I am an independent woman, I've been working since I was 15 or 16 years old until now," paliwanag niya.
Panoorin ang buong panayam kay Lovi at ang sagot din ng mga host ng programa na sina Rhian Ramos at Solenn Heussaff sa mga intrigang ibinabato sa kanila.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
