Hinahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaki na nanggahasa umano sa isang kambing sa El Nido sa Palawan.
Sa ulat ni Wilmar Abrea ng Super Radyo Palawan sa Super Radyo dzBB nitong Lunes, sinabi umano ng may-ari ng kambing na na-aktuhan niya ang suspek habang pinagsasamtalahan ang kaniyang alaga sa Sitio Lamuro sa Barangay Pasadeña.
Nakatakas umano ang suspek nang sitahin niya ito pero nahuli naman ang isang menor de edad na nagsilbing lookout sa panggagahasa sa kambing.
???????????????????????????????????????????? ????????????????????????: ????????????????????????????, ???????????????????????????????? ???????? ????????????????????????????
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 29, 2025
Isang lalaki, pinagsamantalahan ang isang kambing sa El Nido, Palawan; suspek, nakatakas. | ulat ni Wilmar Abrea, Super Radyo Palawan pic.twitter.com/F8EKaVi2V9
Mahaharap ang tinutugis na suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1998.
Nakasaad sa Section 4 ng naturang batas na kabilang sa uri ng pagmamalupit sa hayop na bukod sa pananakit at pagmamaltrato ay ang sexual abuse.— FRJ GMA Integrated News

