Natunton umano sa Ilocos Region ang “missing bride” na si Sherra De Juan, na dapat sanang ikakasal ngayong Disyembre pero biglang nawala matapos magpaalam na bibili lang ng sapatos na gagamitin sa kasal.
Sa ulat ni Isa Avendaño-Umali sa Super Radyo dzBB nitong nitong Lunes, sinabi ni QCPD spokesperson Police Major Jennifer Ganaban, na ihahayag nila ang eksaktong lokasyon ni Sharra kapag napuntahan na nila ito.
Patungo na umano sa kinaroroonan ni Sharra ang mga tauhan ng QCPD Station 5 kasama ang pamilya niya. Inaasahang makababalik sila sa Metro Manila ngayong hapon.
Nakatakda na sanang ikasal si Sharra kay Mark Arjay Reyes noong December 14.
Huli siyang nakuta sa isang gasolinahan sa North Fairview, Quezon City noong December 10. —Vince Angelo Ferreras/FRJ GMA Integrated News

