Bukod sa pagpasok sa Top 12 ng The Clash, may kontrata na rin sa Kapuso Network ang "international" Clasher na si Mika Gorospe, ngunit aminado siyang isang malaking sakripisyo ang umalis ng US at mabuhay mag-isa sa Pilipinas, kasama ng kaniyang lola.

"Nag-umpisa po akong bumisita dito when I was 11 kasi ambassador po ako ng foundation po, nagme-medical mission po kami sa Cavite every year. That's where I fell in love with the Philippines, I love the atmosphere, 'yung energy dito masaya palagi. Even if you don't have that much, everyone is still happy. That's what I love it here," kuwento ni Mika sa GMA News Online sa kaniyang contract signing sa Kapuso Network noong Huwebes.

"Marami akong pinagdaanan and a lot of sacrifices 'cause I'm very young and I moved here by myself. I'm only 16. My parents aren't here, and I have to take care of myself, even if lola is there, I still have to take care of myself," dagdag niya.

Aminado si Mika na hindi biro ang mabuhay mag-isa.

"It's being here alone. There are sad times too. Before The Clash nga, kasi nag-aral din ako dito ng one year, kasi gusto kong ituloy 'yung pangarap ko dito na maging artista, so lumipat talaga ako dito, nag-try akong mag-audition sa mga ibang ganap. I was super sad, and I always prayed that sana I'll have an opportunity."

Natanong tuloy si Mika kung paano ang kaniyang pag-aaral. "Studies ko online. Kasi mahirap kapag, I was supposed to do private school pero kailangan pumapasok araw-araw."

Bago nito, nagpe-perform na si Mika sa mga local events ng mga Pinoy sa California. Naiwan naman ang kaniyang mga magulang doon, na mga residente na sa lugar.

Joining The Clash

Dahil nasa Amerika noon, sa online na dinaan ni Mika ang kaniyang audition. "Nag-online audition po ako, kasi wala po ako dito [sa Pilipinas], nag-send lang ako ng video, then nu'ng sinabi po ng tita ko sa akin na napasok ako, sobra pong masaya."

"'Yung sa The Clash, that was my opportunity and I took it and I made the most out of it. Even if people doubted me, ipinakita ko na kaya ko," ani Mika.

Aminado si Mika na napansin niya ang pagkakaiba ng kaniyang estilo sa iba pang Clashers kaya nagkaroon din ng pagdududa, ngunit niyakap niya ito.

"Sinasabi po ng mga kasama ko, 'yung ibang Clashers na kakaiba talaga 'yung boses ko kasi hindi po talaga ako bumibirit. Sobrang manipis po 'yung boses ko. Pero kaya ko naman bumirit ng mga OPM kasi sa second round po bumirit po ako, pero alam ko naman talaga na unique 'yung boses ko, hindi kagaya sa mga ibang kasama ko, strong talaga 'yung boses nila tsaka birit nang birit like Golden, ka-duet ko siya. That's where I realized na I'm very different compared to all the other girls when they sing, and it's a good thing and a bad thing at the same time because there are things they can do that I can't do pero there are things that I can do that they can't do."

Hindi inaasahan ni Mika na pagkatapos ng The Clash, may alok na kontrata sa kaniya ang Kapuso Network, at tinanggap na niya ito.

"Hindi ko naman ine-expect pero I'm super thankful na 'yung mga prayers ko dumadating na, kasi pangarap ko talaga ito when I was younger pa, nine years old po akong mag-umpisang kumanta. I know it's not that, compared to other people, it's a little late kasi 'yung mga iba, 'Since I was five I was singing' pero ako nine years old na."

Nakatakda ring lumabas si Mika sa Studio 7, at mai-e-explore pa niya ang sarili ngayong Kapuso artist na.

"Sa singing po. I know I'll improve, maraming nagsasabi na nag-improve ako since the beginning and I take that too, but I feel like I could still improve. 'Yung mga kasama ko, ang galing-galing nila kasi matanda na sila, bata pa ako, so I have a lot of things to learn pa. I am open to all of the things, dancing, acting, singing pa, even if people say I'm good, there is still room for improvement." —LBG, GMA News