Lingid sa kaalaman ng marami, hindi lang acting ang kayang gawin ng anak nina Janice de Belen at John Estrada na si Inah dahil isa rin siyang makeup artist matapos sumailalim sa siyam na buwang makeup classes.
Sa programang "Tunay Na Buhay," sinabing sumailalim si Inah sa training ng celebrity makeup artist na si Jing Monis, at sa panahong iyon ay inayusan niya ang mga kapwa niya artista.
Inihayag ni Inah na ang dream celebrity na gusto niyang ma-makeup-an ay ang Hollywood actress na si Anne Hathaway.
Ang aral ng tunay na buhay ni Inah: "Just be yourself and stay positive. Stay true to yourself. Kasi kung hindi ka totoo sa sarili mo, hindi ka rin magiging totoo sa ibang tao."
Bilang pagpapakita ng kaniyang talento, inayusan ni Inah ang kaniyang fan at kaibigan. Panoorin ang naging resulta.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
