Kung kinakailangang maging mas maatikabo ang aksyon, game si Kapuso Drama King Dennis Trillo na gawin ito para sa bagong GMA series na "Cain at Abel," kabilang na ang pagtalon sa ilog.
Sa kaniyang Instagram, nag-post si Dennis ng kaniyang eksena sa isang tulay sa Santa Cruz, Laguna kung saan tila kinukuyog siya ng mga tao at wala na siyang matakbuhan.
Dahil dito, wala siyang ibang nagawa kundi ang tumalon sa ilog para makatakas.
Nakakatuwa rin ang reaksyon ni Dennis sa kaniyang karanasan.
"Siniguro ko namang wala nang mga tae pag talon ko ????"
Sa isa pang post, makikitang proud si Dennis sa ginawa niyang stunt.
Pagbiro ni Dennis: "Malinis siya promise????????!???????? #presko #cainatabel ????????"
Makakasama ni Dennis si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa series. — BAP, GMA News
