Pumanaw na nitong Martes sa edad na 71 ang character actor na si Nonong de Andres, na mas kilala sa screen name niyang "Bangkay" sa mga horror movie.
Natagpuan si De Andres ng mga kawani ng isang resort sa Plaridel, Quezon na wala nang buhay at pinaniniwalaang nagpatiwakal.
Humingi naman ng dasal ang kaniyang pamangkin na si Powee Capino para sa kaniyang tito.
"He was weak due to sickness na rin for the past few weeks and months," saad ni Powee nang makapanayam ng GMA News Online.
Bukod sa mga pelikula, napanood din sa mga teleserye si De Andres kabilang na ang ilang programa sa GMA series na "Alyas Robin Hood" at "Inday Will Always Love You." --FRJ, GMA News
