Gulpi ang inabot ng isang lalaki na maniningil sana ng bayad sa ibinenta niyang motorsiklo matapos na matuklasan na nakaw pala ang sasakyan sa Bacolod City.
Sa ulat ng GTV News State of the Nation nitong Lunes, makikita sa video footage ang ilang kalalakihan ang gumulpi sa lalaking maniningil sama ng bayad habang nasa kalsada.
Ayon sa opisyal ng barangay, posible umanong tulak din ng ilegal na droga at sangkot sa ilegal na transaksyon ang lalaking kinuyog.
Kinumpiska rin umano ng pulisya ang ibinentang motorsiklo, habang nakatakas naman ang lalaking nagbenta nito. – FRJ GMA News
