Going strong ang mahigit isang taon nang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto.  Ang aktres, inihayag ang sikreto sa matibay nilang pagmamahalan at may ang kasunduan din sa kanilang upcoming Kapuso series na "Kara Mia."

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing positibo ang pananaw ni Barbie sa pagpasok ng bagong taon.

Hindi na rin daw gumawa ng kahit anong new years' resolution ang aktres na hindi naman niya natutupad. Mas pagtutuunan na lang daw niya ng pansin ang mga bagay na mas makakadagdag sa kaniyang pagkatao.

“Sabi ko mas sisipagan ko mag-vlog ngayon, since uso naman na ang YouTube, at less procrastination. Lahat ng kaya kong gawin ngayong araw na 'to, gagawin ko na,” anang aktres.

At kahit daw going strong ang kanilang relasyon ni Jak, natutunan daw nilang maging "chill" bilang magkasintahan.

LOOK: Barbie Forteza has a mystery date on her birthday

Sabi ni Barbie, hindi sila mahigpit sa isa't isa ni Jak na susi raw kaya nananatili silang magkasama hanggang ngayon.

"Hindi kami masyadong mahigpit sa isa't isa, which is I think the key kung bakit magkasama pa rin kami ngayon. Hindi kami masyado nasasakal sa isa't isa,” saad niya.

Sa drama series na kanilang pagsasamahan na "Cara Mia," may mga bagay daw silang napag-usapan bago pa nila simulan ang taping. Isa na rito ang hindi nila pagsasama sa tent, o lugar kung saan nagpapahinga ang mga artista.

"Oo, sabi ko talaga sa kaniya [hiwalay ng tent].  Kasi kapag hindi kami magkahiwalay ng tent hindi ako makakatulog. Lasi ang daldal niya," natatawang sabi ni Barbie.

"At saka ano naman talaga 'yon, boys and girls talaga [hiwalay ng] tent," dagdag niya.

Kasama rin si Mika dela Cruz sa "Kara Mia," ang babae na dalawa ang mukha. -- FRJ, GMA News