Maganda ang pasok ng 2019 sa comedian/host na si Super Tekla. Bukod sa may network contract na siya sa GMA-7, meron pa siyang bagong show sa primetime television.

Kuwento ng 47-year-old Kapuso talent, “Unang-una, ang network nagbigay sa akin ng exclusive contract for 5 years.
“Bihira yun, so safe na yung sarili ko for five years pero pag-iingatan mo yun.
“Kasi hindi lang puwede five years na ganyan-ganyan ka lang.
“Kailangang mag-level up, may always something new na kailangan mong mai-offer.”
Level up na rin ang online show nila ni Boobay na "The Boobay And Tekla Show" (TBATS) dahil mula sa YouTube ay mapapanood na ito sa primetime simula January 27.
Kuwento niya tungkol rito, “Yung pagbibigyan ka ng timeslot, sobrang grabe yun.
“Alam kong challenge, siyempre kailangan mag-exert ng effort.
“Hindi puwedeng… kailangan yung expectations sa ’yo ng network, ng management dapat anuhin [ipakita] mo yun, e, kasi sila ang nakakita nun [potential], e, then the people behind that.
“So, kailangan mo rin suklian ng effort.”
Dagdag pa niya, mas lalo pa daw niyang pag-iigihan at pagbutihan ang kanyang trabaho dahil maraming artista ngayon ang walang raket.
Saad ni Tekla, “Siyempre, hindi ka puwede pa-pitiks pitiks lang, kailangang work.
“Kasi pambihirang pagkakaton 'to, kumbaga yung lightning nag-strike na 'yan, e.
“Kasi minsan lang mag-strike 'yan, hindi mo na alam kung saan ulit mag-strike 'yan.”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Super Tekla pagkatapos ng Question and Answer portion sa media conference ng nalalapit nilang show sa GMA na The Boobay And Tekla Show noong January 14.-- For the full story, visit PEP.ph
