Matapos mag-post ng larawan nitong nakaraang Disyembre si Jennylyn Mercado na kasama ang kaniyang biological mother na si Jinkee Pineda na may caption na Italy, muling nakitang magkasama ang mag-ina isa pang larawan na tila kuha naman sa Pilipinas.

Ang naturang bagong larawan ng mag-ina habang nasa isang restaurant ay nakapost sa Instagram account "jennylynworld."

Simpleng #JennylynMercado na may tatlong emoji heart ang larawan na makikita ang masayang ngiti ng Kapuso actress.

Hindi binanggit sa post kung saan kuha ang larawan pero may isang nagkomento na ang restaurant ay makikita sa Greenbelt.

Sa Instagram story ni Jennylyn, makikita rin ang naturang larawan na may nakasulat na “Safe flight Mom.”
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

??? #JennylynMercado

Isang post na ibinahagi ni Jennylyn Mercado World ???? (@jennylynworld) noong



Nitong nakaraang Disyembre, nag-post si Jennylyn sa kaniyang mismong IG ng larawan na kasama ang kaniyang ina.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

????

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on



Matatandaan na lumaki si Jennylyn sa pangangalaga ng kaniyang tita na si Lydia Mercado, na tinatawag niyang Mommy Lydia, na pumanaw noong noong 2016.

 

Noong 2017, nag-post ng larawan si Jennylyn na kasama ang amang si Noli Pineda.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Fathers Day Papa Noli!???? I love you!?? @collectorspad

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on




--FRJ, GMA News