"Nadale na naman ako."

Ito ang nabanggit ni Joyce Pring nang ikuwento niya sa kaniyang Instagram post ang ginawa na namang pagsorpresa sa kaniya ng manliligaw na si Juancho Trivino.

"Nadale na  man ako ng 'nasa taping ako' scheme nung Juancho. Sabi sakin ng team lead ko, 'Joyce shoot tayo ng vlog sa may garden para makapag OOTD din ako.' tapos nung pagbaba namin may guy sa gitna ng field may dalang flowers," saad sa post ni Joyce na may kasama ng larawan at video nang ginawang pagsorpresa sa kaniya ni Juancho.

"AKALA KO MAY PROPOSAL NA NAGAGANAP (kasi mejo malabo mata ko) so nahiya ako lumapit pero na curious ako so sumilip pa ako lalo... tas biglang... 'si Juancho ba yun?!' Nauto nanaman ako," patuloy niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Random surprises from Mr. Trivino. Nadale nanaman ako ng “nasa taping ako” scheme nung Juancho. Sabi sakin ng team lead ko, “Joyce shoot tayo ng vlog sa may garden para makapag OOTD din ako” tapos nung pagbaba namin may guy sa gitna ng field may dalang flowers. AKALA KO MAY PROPOSAL NA NAGAGANAP (kasi mejo malabo mata ko) so nahiya ako lumapit pero na curious ako so sumilip pa ako lalo... tas biglang... “si Juancho ba yun?!” Nauto nanaman ako. Sabi nya sakin kailangan nya daw i-surprise ako every 3 weeks para hindi mainit ulo ko sakanya. Gumagana naman yung tactics nya hahahahaha Happy #febibig my frens. Masaya rin palang kiligin. ???????? #juanchoyce ???? Salamat sa pag kunchaba kay kuya Juancho na maraming gustong patunayan @ronabaguio19 @brianbony @ ate Reg. ????????

Isang post na ibinahagi ni Joyce Pring (@joycepring) noong

 

Matatandaan na ginawa rin ni Juancho ang pagsorpresa kay Joyce habang naka-live report ang dalaga para sa kanilang programa sa "Unang Hirit."



Hindi inakala ni Joyce na makikita niya si Juancho nang sandaling iyon dahil nagpasabi ito sa kaniya na nasa "taping" siya.

Ayon kay Joyce, nais daw siyang sorpresahin ni Juancho tuwing ikatlong linggo.

"Sabi nya sakin kailangan nya daw i-surprise ako every 3 weeks para hindi mainit ulo ko sa kanya. Gumagana naman yung tactics nya hahahahaha," saad ng Kapuso host.-- FRJ, GMA News