Inihayag ni Bea Alonzo ang tungkol sa plano nila ni Vincent Co na magkaroon na ng baby, isang buwan matapos silang ikasal. Masaya rin ang aktres sa kaniyang buhay ngayon bilang maybahay ni Vincent.

“Of course, we're going to have to try to have kids in the future and, you know, build a family. And when that day comes, of course, I'd love to be able to have the energy to run around with my kids, you know, and to play with them and not just watch from the sidelines,” sabi ni Bea sa Q&A ng isang brand event, na iniulat sa GTV News Balitanghali nitong Biyernes.

Ayon pa kay Bea, hindi siyang makapaniwalang isang buwan na ang lumipas makaraan ang kasal nila ni Vincent.

Sinabi ni Bea na masaya siya ngayon sa kaniyang buhay bilang maybahay ni Vincent.

“Siyempre, nag-move in na kami together. Right now, I'm on cloud nine. I'm very, very happy. Na-share ko yata, I'm at my happiest. Siyempre, we, you know, wake up right next to each other every day and it's special to me,” saad ng aktres.

Gaganap si Bea sa bagong GMA series na “Whispers from Heaven.” – Jamil Santos/FRJ GMA News