Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Benjamin Alves tungkol sa breakup nila ni Julie Anne San Jose, na nangyari sa panahon na pagdadalamhati siya sa pagpanaw ng ama.
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing bakas pa rin ang lungkot sa mga mata ni Benjamin sa pagkakawalay niya sa dalawang tao na malapit sa kanyang puso—ang pagpanaw ng kaniyang ama at ang paghihiwalay nila ni ng nobyang si Julie Anne.
Hindi man nagbigay ng detalye tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay, nilinaw ng aktor na wala itong kinalaman sa pagkamatay ng kaniyang ama.
"It would be disrespect to Julie na sabihin ko na mas nahirapan ako para kay daddy. Kasi what happened with us, those two things were very separate for me," sabi ni Benjamin.
Nang tanungin kung handa na ba siyang umibig muli, sabi ni Benjamin, "Wala pa talaga sa isip ko 'yan. I don't think... i don't have the capacity or the minds, or the mental health or the emotional health to do anything but I try to find a normal for myself first."
Taong 2016 nang aminin ni Benjamin na exclusvely dating sila ni Julie Anne. (READ: Benjamin Alves 'exclusively dating' Julie Anne San Jose)
Nitong nakaraang Enero naman nang aminin ni Julie Anne na single na uli siya. (READ: Julie Anne, umaming break na sila ni Benjamin Alves.)--FRJ, GMA News
