"Dahil sa Pag-ibig" ang titulo ng bagong Kapuso series na pagbibidahan nina Sanya Lopez, Benjamin Alves, Winwyn Marquez, at Pancho Magno, na mailalarawan nila bilang "intense" at "sexy." Ngunit sa totoong buhay, mayroon na rin silang mga natutunan at nagawa nang dahil sa pag-ibig.

"Dahil sa pag-ibig, dapat mas masaya ka sa lahat ng ginagawa mo, mas nai-inspire ka," sabi ni Sanya sa GMA News "Unang Balita" nitong Martes.

"Dahil sa pag-ibig, naranasan kong paano maging masaya, 'yung masayang-masaya talaga dahil umibig ako nang tunay," para naman kay Ben.

"Dahil sa pag-ibig, nag-travel ako dahil fan ako ng BTS," natatawang sabi ni Winwyn. "Pumunta ako ng Japan para manood lang ng concert nila dahil sa pag-ibig sa kanila,"

"Dahil sa pag-ibig, minsan nakakalimutan mong mahalin ang sarili mo. Woah! Magiging selfless ka, 'di ba, in a good way," para naman kay Pancho.

Magiging heavy drama daw na with "a touch of sexiness" ang magiging serye ng apat.

"Pinaghandaan po namin 'yan. Siyempre abangan niyo rin ang buhay ng isang OFW at kung paano maipaglalaban ang pag-ibig," sabi ni Sanya.

"We're pegged as a really heavy drama, and I think a little sexy, a sexier drama. Nakita niyo naman po lahat ng kasama ko dito, I have to keep up with kung gaano sila ka-fit," ayon kay Benjamin.

"Well, isang word lang na naiisip ko, it's intense! 'Yung role ko dito, gagawin niya lahat para sa pag-ibig. Dahil sa pag-ibig lahat isa-sacrifice niya, ipaglalaban niya hanggang dulo talaga," sabi naman ni Winwyn

"I mean 'di ba, ganu'n ka-intense. Mas mature, mas malalim na 'yung, alam mo 'yun. Basta parang kailangan nilang abangan dahil ibang level na ito eh," pahayag naman ni Pancho.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News