May ibang lalaki na hindi gusto ang mga babaeng "clingy" o dikit nang dikit pero hindi si Derek Ramsay.
Sa kaniyang unang pagbisita sa programang "Tonight With Arnold Clavio," game na nakipagkulitan si Derek sa mga palaro at mga tanong.
Nang tanungin kung ano ang tipo ng babae ni Derek, sinabi ng aktor na ayaw niya na siya ang sinusundo ng babae at ipinagmamaneho siya.
"Call me old school pero gusto ko ako yung sumusundo, ako yung nagmamaneho," paliwanag niya.
Gusto naman daw ni Derek ang "clingy" o babaeng laging dikit nang dikit sa kaniya dahil malambing siyang tao.
Inihayag din ni Derek na gusto ang babaeng "jologs" at hindi maarte.
Sinabi rin ni Derek na gusto niyang makatrabaho ang lahat ng Kapuso stars tulad nina Jennylyn Marcado at Dingdong Dantes, na kapwa nakatrabaho na raw niya noon.
Napuno naman ng kilig at tawanan ang isang game kung saan nakasama niya ang kanyang fans. -- FRJ, GMA News
