Si Sanya Lopez ang nakasama ni Arra San Agustin sa digital show nito na "Taste MNL." Dahil hindi pa nagkaka-boyfriend si Sanya, tinanong siya ni Arra kung sino ang aktor na "peg" niyang ideal man at si Alden Richards ang kaniyang sinabi. Alamin kung bakit.

Ayon kay Sanya, desisyon niya na huwag munang mag-boyfriend dahil sobrang busy pa siya sa trabaho at hindi raw niya mabibigyan ng panahon ang nobyo kung papasok siya ngayon sa relasyon.

Sa tanong na kung anong mga katangian ang hanap niya sa lalaki, sinabi ni Sanya na hanap niya sa lalaki ang marespesto sa babae at sa pamilya.

Dito na niya ginawang halimbawa si Alden na grabe umano sa pagrespeto sa mga babaeng nakakasama.

Panoorin ang buong panayam at lalo pa nating kilalanin si Sanya Lopez sa video na ito ng "Taste MNL."

--FRJ, GMA News