Masaya at puno ng pagmamahal na ipinagdiwang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang ika-11 wedding anniversary sa pamamagitan ng isang quick vacation sa El Nido, Palawan.

Sa IG, pinost ni Dingdong ang larawan na magkasama sila ni Marian at ang kanilang family pic kasama sina Zia at Sixto.

“You were exactly what our family needed… and you continue to be. Eleven years married to you, @marianrivera, and I remain humbled by the wife you are, the mother you’ve become, and the life we continue to build together, by His grace,” caption ni Dingdong.

Isang maiksi pero sweet naman na “Love you” ang ni-reply ni Marian sa comments section.

Sinulit din ng DongYan at ng kanilang mga anak ang kanilang quick vacation.

Ikinasal sina Dingdong at Marian noong 2014. Isinilang ni Marian si Zia noong 2015, at Sixto noong 2019. — JMA GMA Integrated News